h1

Adonis

Marso 22, 2009

jhai

–= makalipas ang isang buwan =-

boring ang araw-araw sa Marinduque. pare-pareho lang ang mga taong nakakasalamuha ko. hindi pa man ako nakaka-enroll eh nag-decide na akong umuwi – para sa Manila na lang mag-aral ulit.

hindi ako nagpasabi. basta alam ko uuwi na ako. sinabayan ako sa pag-uwi ng kapatid ng bayaw ko. paika-ika pa akong lumakad dahil nga nasugatan ako ng magswimming kami kamakailan. nabigla ang buong pamilya ko sa pagdating ko. negro na nga pilay pa ata.

kinabukasan…

NOYNOY: ui musta? nagitim ng todo ah! kala ko ba doon ka na mag-aaral?

KARA: boring eh. mas trip ko dito. siguro hindi ako masasanay sa ganoong klase ng lugar talaga.

NOYNOY: syanga pala. nabalitaan na ni Jasmine na dumating ka na. naiyak nga sa tuwa eh. andaming sulat doon para sa iyo. araw-araw ata sumusulat yun eh, kaso hindi naman maipadala dahil hindi alam kung saan ipadadalang address.

KARA: sulat? talagang sulat? haha!

NOYNOY: hindi ako nagbibiro. tapos yung Red shirt mo, laging niyayakap. naiiyak pa nga minsan. ang corny talaga ng babae no?

KARA: asan na kapatid mo?

NOYNOY: nasa bahay. nahihiya ata humarap sayo. ewan ko ba dun. sabihin ko na lang baba siya maya-maya.

KARA: sige. sabihin mo mga hapon, mga 1pm siguro, lalabas ako.

wala pang ala-una ng hapon eh naghihintay na ako sa pintuan ng bahay namin. ayoko namang maglakad-lakad pa papunta sa bahay nina Jasmine dahil masakit talaga ang paa ko. niresetahan na nga ako ng antibiotic ng doctor sa Jose Reyes (the killing field).

mga ilang minuto bago mag-1, nakatingin ako sa bandang dulo, hinihintay kong lumabas ng bahay si Jasmine. biglang me kumalabit sakin at nagsalita…

JHAI: kamusta ka na?

KARA: ok lang..

JHAI: sino hinihintay mo?

KARA: si Jasmine…

saka ako humarap sa taong kausap ko na alam ko namang kakilala ko pero hindi ko lang maalala, siguro dahil hindi ko naman siya ka-close. PUCHA! pagharap na pagharap ko… biruin mo ba namang BIGLA rin ang pagkabog ng dibdib ko at nakalimutan ko ang anumang sasabihin ko.

hindi na siya ang batang makulit na palagi kong KINAAASARAN. medyo lumaki na ang boses niya, tumangkad at sa tingin ko eh TULI na. hindi ko akalaing matutulala ako sa lalaking nasa harapan ko sa sandaling iyon.

nababading na ata ako…

Advertisements

3 mga puna

  1. abangan ang pagdadalaga ni kara david este kara krus
    hehehehe!

    ” ngek! ganun??? “


  2. hahahaha hindi pagdadalaga teng…. Nang Gabing Mamulat si Kara ang susunod na eksena….. hehehehehe!

    ” ng araw kamo. hehehe! “


  3. and by the way kara, i truly appreciate you finding time to visit my blog…. about your picture request, i’m sorry but i can’t just send you unedited pics…. sana maintindihan mo na pinangangalagaan ko ang pagkatao ni NJ….. pasensiya ka na…. but who knows someday, hindi lang pic ang makita mo, baka magkita pa tayo ng personal d ba, at maging malapit na magkaibigan….

    thank you….

    ” ganun ba??? sige okay lang naman yun YJ… hihintayin o na lang siguro ang araw na iyon – sa ngayon, makukuntento na lang ako sa mga nakikita at nababasa ko… “



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: