h1

Ano Na Nga Ba?

Marso 23, 2009

” tingin ko hindi na nagwowork ang relationship natin. siguro mas maganda kung mag-break na lang tayo. “

kinausap ko ang girlfriend ko. hindi na kasi kami parehong masaya sa relasyon namin. ayokong masaktan ang isa man samin sa huli. mas maganda yung alam na sa simula pa lang kung ano ang patutunguhan ng lahat. sa una ayaw niyang pumayag. mahal daw niya ako. mahal ko rin naman siya – bilang KAIBIGAN na nga lang. natuloy na ang break-up namin.

madalas na kaming magkasama ni Jhai mula noon. kung nasaan ang isa naroon rin ang isa pa. sa kuwentuhan, inuman atbp. kami ang magkatabi. lagi na lang kami. walang pumupuna, walang nakakaisip ng alinman tungkol samin. ang totoo wala rin naman talagang namamagitan samin.

sa tingin ko. isang one-sided love ang namamagitan saming dalawa.

habang tumatagal, habang nakikilala ko siya, mas lalo ko siyang nagugustuhan. hindi ko maintindihan kung ano ang aking nararamdaman. ayoko pa rin tanggapin sa sarili ko na BADING ako pero yun ang lumalabas na tunay na pagkatao ko. gusto ko pa rin naman ng babae, gusto ko pa rin ng malalaking suso, gusto ko pa rin ng mahahabang legs na mapuputi, pero sa kabila ng lahat GUSTO ko rin si Jhai.

Advertisements

13 mga puna

  1. naman kasi! Magaabang ako sa pagpapatuloy ng paglalandi este kwento mo kara…

    ” hehehe! oo sige luis – abangan mo ha! “


  2. huh?! okei so neon naliwanagan na ako.. di ako makapagcomment sa past 2 entries mo kasi naguluhan ako seo.. it seems you have identity crisis..

    so AC/DC ka pala.. you know bisexual.. ganito timbangin mong mabuti kung anu mas nakakalamang..saka si jhai alam ba nia?

    ” malalaman mo na lang sa mga susunod ko pang mga kwento… hehehe! ui by the way salamat at binabasa mong talaga ang mga entries ko ha…! “


  3. hi, tulad ni azul.. sinusundan ko rin ang iyong kwento hindi lang ako makapag comment..

    ” bakit naman hindi ka makapag-koment? hehehe! maraming-maraming salamat ha! “


  4. naman naman… sa ganyan pala nagsimula yan? hehehehe!

    ” oo nga hehehe! hindi ko naman sinasabing dito nagsimula, me karanasan na ako dati pero eto yung karanasang parang hinanap-hanap ko na tsaka parang ayoko nang tumigil… “


  5. Maaaring bi-curious kang tinatawag o kaya ay simpleng naguguluhan sa iyong sekswalidad. Marami ang ganyan at di napagtatakpan ng pakikipagrelasyon o kahit pa sa pag aasawa ng ibang kasarian. Sabi ko nga, walahg masama at walang imoral hanggang walang guilt na kasama. at tingin ko angkop talaga sa iyo ang karakrus. madami pang pwedeng ipakahulugan jan.

    ” maraming salamat sa napakahabang litanya mo kaibigan… oo tama ka siguro at maaari ka rin namang nagkakamali – kaya rin napili ko ang karakrus ay dahil sa sari-saring kahulugan nito sa aking buhay! “


  6. Naiintindihan ko ang ganyang pakiramdam. Kung anuman ang meron sa inyo ni Jhai, masaya ako para sa’yo.

    ” salamat paurong hehehe! pero ano bang meron??? hehehe! “


  7. think of it..

    reflect…

    maayos mo din yan πŸ™‚

    apir!

    kita kits sa blog ko…

    ” oo ba. sige dadalawin kita jan sa blog mo… “


  8. sana friends pa rin kayo…

    ” oo naman. hanggang ngayon… “


  9. na link na po kita..hehe sowi naun lang napadaan..naun din xe continuation na pagboblog hopping q..hehehe
    mengatz ka po..palagi..

    curious ka nga po….sana mahanap mo ang bagay na makakapag pasaya sayo….wag ka magalala nasa iyo suporta namin…yung di makakaintindi yamu na cla..makikitid lang utak ng mga yun….pag isipan mo po maigi magiging desisyon mo….wat ever happens dito lang kame..ayt… πŸ˜›

    ” maraming salamat ha… me mga nanjan pa pala hehehe! “


  10. ahh.. inosente ako.. wla akong alam dito.. HMM.. πŸ˜€ anu nga ba? hmm.. penge na lang ng tulong! yun na lang muna! thanks!! pnta ka bahay ko.. πŸ˜€ mwah!
    https://gladyspillbox.wordpress.com

    ” oo ba sige… daanan kita maya! “


  11. hmmmm…
    hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito ngayon…
    wala akong masabi
    kasi hindi ko naman ang mga ganyang bagay…

    pero sana nga makilala mo na kung ano o sino ka nga bang talaga…

    ” maraming salamat kung ganun at least may mga kaibigan akong kagaya niyo na hindi niyo man ako kilala eh nagtyatyaga kayong basahin ang alinman sa mga kuwebnto ko. wag kayong mag-alala TOTOO lahat ng mga ilalagay ko dito sa bahay ko… PROMISE! “


  12. amp.. lagut identity crisis ka na..
    baka kaya pang labanan..?
    pero kung anu man yun, hindi mo naman ma pi-please ang mga tao sakaling walang makaintindi sa nararamdaman mo..
    kung “love” nga yang nararamdaman mo., ayos ‘yan!
    pero kadalasan “lust” lang daw.. (ewan ko)
    abangan ko na lang yung next…

    ” oo nga… sa susunod ko pang mga post malalaman natin kung love nga bang talaga o lust… hehehe! binabalik-balikan ko pa ang NAKARAAN ko para maikuwento ko lahat ng ito ng buong-buo. “


  13. ay okay. sige sundan namin ang entries mo. its a process i guess. watchout na lang kami sa mga stories mo.

    ” hehehe! salamat po. “



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: