h1

Sige HUBAD!

Abril 24, 2009

requirement sa pag-eenroll sa isang public school ang pagpapa-MEDICAL at pagpapa-PHYSICAL EXAM.

tapos na ako sa pagpapakuha ng dugo, oo takot ako sa karayom lalo na pag itutusok na sa balat ko. pero oo tama ang marami, parang kagat lang ng langgam.

tapos na rin ako sa pagpapa-X-RAY.

nakapila na ako sa PHYSICAL EXAMINATION, sabi ng maraming mga nakausap kong Freshmen din eh paghuhubarin daw ng pants at shirt sa Examination. hinanda ko na ang sarili ko. nahihiya man ako na maghubad sa harap ng hindi ko kilala, naisip ko na baka isang minuto lang naman yun at wala namang mangyayari sakin kung hindi ako matatapos dun sa level na yun.

napakahaba ng pila. pero busog naman ang mga mata ko sa kakatingin sa mga gwapong lalaki na palakad-lakad. yung iba kinakausap pako, nagtatanung-tanong. napansin ko na sampu-sampu ang pumapasok sa Examination Room. huli na nang malaman kong sampu palang sabay-sabay na i-eexamine ang mga boys. tiningnan ko ang mga kasama ko sa pila. anak ng 6 ang cute, 2 ang mataba at isa ang parang Nerd, ambaduy pa ng suot.

” sampu-sampu? ” ang tanong ng nasa likod ko.

” oo nga. tingnan mo sampu-sampu ang pumapasok! ” ang sagot naman ng isa pa.

” kala ko ba isa-isa lang? ” ang tanong ulit ng isa.

” eh haba kaya ng pila! ” ang sagot ulit ng kausap niya.

” ganun? ” ang wika ng nagtatanong.

” okay lang yan puro naman tayo lalaki eh! ” ang wika naman ng isa.

napapansin ko rin na kapag may papasok na Bading kasama sa pila eh ang ingay ng mga nakapila. inaasar nila yung mga bakla, sinisigawan, sinisipulan. dahil hindi naman ako HALATA. dinedma ko sila. maya-maya kaming sampu na ang papasok sa Room. pang-10 pa ako. may apat na tao pa sa loob, kinukuhanan ng Blood Pressure.

” Hubarin ang shirt at pants, underwear lang ang itira! “ ang wika ng baklang doktor. wala nang tanung-tanong naghubaran na kaming lahat. inalis na ang lahat ng HIYA. green pa naman ang kulay ng brief ko.

hindi ko pinalampas ang pagkakataon. apat sa mga kasama kong naghubad eh bukod sa gwapo eh ang kikinis pa ng balat at ang gaganda pa ng katawan.

ang pinakamagandang tingnan sa kanilang lahat eh ang NERD. pucha! siya ang pinaka-Gusto ko. nagkakatawanan na kami, kala mo ba eh magkakakilala. lalo pa ng biglang buksan ang pinto para palabasin ang mga nagpa-BP. pinapila kami sa harapan at isa-isang ineksamin. pinagsawa ko talaga ang mga mata ko sa APAT na ADONIS na nasa HARAPAN ko. ang MALAS ko nga lang eh ako ang pang-10 kaya ako ang pinakahuling i-eeksamin. nagkakabulungan pa kami ni NERD BOY kasi yung isang lalaking mataba eh punit ang brief. bongga talaga ang katawan ni NERD BOY… slim, makinis, abs kung abs, kaunting balahibo sa dibdib, at higit sa lahat eh BUKUL na BUKOL ang NOTA niya.

maraming NAMUMUKOL na HARAPAN na TINITINGNAN ko. silang APAT. pero pinaka-masarap tingnan si NERD BOY!

pumila pa ako sa nagpapa-BP. naglabasan na ang IBA. nagsipasok naman ang panibagong sampung studyante.

” hindi ka na kailangan magpa-BP! ” ang wika sakin ni DOK. akala ko pa naman eh makikita ko pang maghubad ang another 10 students, kaso MALAS!

Advertisements

8 mga puna

  1. malandi ka hahahaha hoy, kilalanin mo na yang si nerd boy at ialay mo sa ken heheheheehe!

    ” kanina nga nakita ko na naman yung kasama niyang guardian eh. hinanap ko siya pero tingin ko nag-eenroll siya sa nursing! “


  2. ako nakaranas na ko ng manyak na doktor para sa physical exam ko. ayoko ng sabihin kung saang clinic hehe!

    ” eh ano naman ginawa mo??? dedma lang? “


    • syempre hindi puede yun kara. mamimihasa kasi ang mga ganun. konting respeto sa hindi kakilala. at dapat respeto din ang pagtanggi.

      ” hehehe! ganun??? pero oo marahil ay tama ka… “


      • mukang sinuyod mo ang bahay ko a. salamat sa mga koments boy.

        ” natutuwa kasi ako sa mga posts mo… “


  3. letche, naamoy ka ni dok. ayaw ng karibal. mwahahaha..

    ” nyahahaha! hindi ah. o baka naman naamoy nga hehehe! “


  4. haha bakit daw di ka na binipi?
    hembak!

    ” ewan ko ba. sabagay hindi naman lahat binipi, siguro kasi normal naman ang tingin niya sakin… “


  5. may medical na pala mga student ngayon
    naranasan ko din yan kaso hubot-hubad talaga pero isa-isa lang kami haha kaya di masyado dyahe!

    ” para nga sakin okay na sana yung hubo’t-hubad basta ba isa-isa lang kaso pucha. nagtira pa sila. pero ayos nga yun eh. hehehe! nakakahiya nga lang talaga. “


  6. Ang astig naman.. Naiimagine ko ngiti mo habang binabasa to.
    Ui ano na nangyari sau. wala kang bago.

    ” meang gabi meron na. wait lang po ha. hehehe! “



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: